Ang isang araw sa buhay ng estudyante ay magsisimula sa pag gising sa umaga, mag iinat inat atsaka mag-aalmusal o kaya naman ay tatamad tamad na babangon sa mga panahong maulan at masarap pang matulog at humiga muli sa kama, hihirit pa ng "limang minutong pahinga" na minsan ay aabot na sa kalahating oras na nagiging dahilan ng kanilang pagiging late sa klase. Mayroon din na umambon lang ng kaunti ay makikibalita na agad mula sa kanilang mga guro o kaeskwela kung suspendido na ang klase na mauuwi lamang sa kanyang malungkot na pagkadismaya. Gagayak, mananalamin, at maghahanda ng umalis. Karamihan ay mamasahe, pero mayroon din namang hinahatid ng service o ng kanilang magulang. Pag dating sa paaralan ay magsisikumustahan at minsan din ay doon gagawa ng takdang aralin! Kumakain habang nagtuturo ang guro, kaya kapag natawag sa recitation ay paputol putol ang mga salita at ngumunguya nguya pa. Nakikipagkopyahan sa katabi sa oras ng kagipitan, o minsan naman ay namamahinga lamang sa loob ng klase kapag walang magtuturo dahil hindi makakarating si sir o si ma'am. May mga araw na ang lahat ay subsob sa pag-aaral habang mayroon namang tila lumipas ang iyong sampung oras sa eskwela na hindi mo nabuksan ang iyong mga libro, o gumamit lamang ng panulat. At sa pag uwi, diretso sa kainan kasama ang barkada o sa panahon ng tag tipid ay sa tahanan agad ang tungo. Tila nanlulumong uuwi kapag inabot na ng gabi, upang hindi mapagalitan ng magulang na lubos ang pag aalala. Sa hirap man o sa ginhawa, sa panahon ng sunod sunod na mahihirap na pagsusulit o sa paglahok sa mga paligsahan, maasahan mong magkakasama ang buong klase sa pag bagsak o sa pag angat.
Sa apat na taon kong pag-aaral sa St. Mary's, iyan ang bunga ng aking simpleng "pagmamasid". Ang buhay ay minsang tahimik, magulo, malungkot, nakakatakot, nakakakaba, nakakamangha, nakakapanabik, nakakapagod, nakakatuwa, pero kadalasan, ang buhay ko ay masaya. Kilala ako ng klase sa maraming pangalan, maaring bilang JR, Rafael, minsa'y tinatawag parin nila akong Jose, pero ang taguri sa akin ng nakakarami ay Duro. Pero may isang taguri na lubos kong ikinatutuwa kahit isang tao lamang ang tumatawag sa akin nito, dahil ang taong iyon ay lubos kong pinahahalagahan, hinahangaan at minamahal, siya ay ikwekwento ko sa mga susunod pang bahagi ng aking blog. Maari akong hingan ng payo, at mahilig akong makinig sa mga hinaing at problema ng mga taong nakapaligid sa akin. Ikinagagalak ko ang maiikling kwentuhan kasama ang aking mga kaibigan habang kami ay nagpapahinga, ang aming pagpapalitan ng mga aral at mga masasayang karanasan minsan din ang pagbabahagi namin ng aming mga problema sa isa't isa. Hilig ko ang paglikha ng mga props para sa klase, mapa backdrop, nagsisilakihang mga bangka at kabayo, espada, kalasag, baluti, costumes, at hangang sa mga pinaka simpleng bagay tulad ng mga alahas o palamuti, ay maasahan mo kami ng mga kaibigan ko. At dito ko nakilala ang ilan sa mga pinaka nakamamanghang tao sa aming klase, sina Miguel, Simoun, Ricson at si Ralph, ang aking mga kapatid. Sa pagdaan ng mga araw, nagkaroon pa ako ng mga pinakahahalagahang mga kaibigan tulad nina Airannie, Camille, Diana, James, at si Aigie. Mahilig kaming makinig sa mga kanta at maglaro ng Game of the Generals paminsan minsan, at masasabi kong kabilang sila sa mga bumubuo ng aking araw. Masaya sa Modesty, ang aming klase, may mga asaran, kwentuhan, minsan din ay may di pagkakaintindihan, ngunit sa huli ay nagtutulungan ang lahat at walang naiiwang mag isa. Mahirap man at maraming pagsubok, alam ko na lahat kami ay makakapagtapos at mararausan namin ang mga problema.
Sa aming daan pauwi, naikwento ko kay Miguel na kung ang aming buhay eskwela ay gagawan ng isang aklat o kwento, bagama't simple, ito ay puno ng mga karanasan at mga nakatutuwang alaala ng mga magkakabarkadang masarap balik balikan, at mga panahong kailangan gumawa ng mga mahihirap na desisyong tiyak na magbibigay aral sa mga mambabasa. Sa pangwakas na bahagi ng aking blog, ibabahagi ko ang isang espesyal na taong isa sa mga dahilan kung bakit ang buhay ko ngayon ay masaya at puno ng pagpapahalaga. Katulad ng aking pamilya, na ipinagpapasalamat ko sa Diyos, ang taong ito ay lubos akong minamahal at tinatanggap niya ang aking pagkatao at mga pagkakamali, katulad ng aking mga kaibigan na parte na ng aking buhay, ang babaeng ito ay kabahagi na din ng aking mga pangarap ,at kahit gaano pa man katagal na panahon ang lumipas, siya ay aking hihintayin dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay karapat dapat at lubos ko siyang iniingatan. Ang tadhana ay maari mong maging matalik na kaibigan, o ang iyong pinaka matinding kaaway, lalo na sa taong iyong minamahal. Tila hindi masasabi ng panahon kung kailan ito darating, maaring sa inyong pagkakatabi sa isang upuan magsimula ang lahat, at hindi mo rin malalaman kung ano ang maaring mangyari sa paglago nito. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok at di pag sang ayon ng iba, naniniwala ako na ang kasiyahan ng isang tao ay dapat niyang ipaglaban, at walang sinumang makakabuwag sa pag ibig na nadarama nito kung ito ay tunay. Marami akong natutunan, at higit na mas marami pa ang aking matutunan sa pag daan ng panahon, mga kaibigan na hindi ko malilimutan, at mga taong habang buhay kong mamahalin, lahat sila'y bahagi ng aking, talaarawan.